Wednesday, November 16, 2011

Twilight

Okay, wala akong galit sa mga artista sa Twilight, pero yung kwento kasi, basura.

Bago mo sabihin na basahin ko muna yung kwento at panoorin ko muna yung movie, gusto kong ipaalam sa inyo na nagawa ko na yun parehas, at pumalyang tapusin kasi hindi ko makayanan yung kwento. Sobrang talandot.

Una, si Bella. Ilang araw lang niya nakilala sa Edward. Ni hindi nga man lang niya nakilala muna ng lubusan, pero na-inlab na agad. Ano yon? Ayos yon ah? May pa-irrevocably irrevocably pa sa Stephenie Mayer. Pauso siya huh.

Pangalawa, yung movie. Ang bagal ng kwento! Nakakabored. Hindi ka mahu-hook. Walang akong makitang rason para tapusin ko pang panoorin yung movie.

All in all, hindi ko gusto Twilight. Masyadong mabilis ang mga pangyayari. Walang moral lesson. Ay, meron pala. "Mahalagang magkaroon ng boyfriend." Yun ang moral lesson ng Twilight. Mahalagang lumandi. Bakit naman yung Crazy Little Thing Called Love? Love story yun, pero hindi malandi yung dating. Bakit yung Twilight? Parang ang landi landi ni Bella. Umayos nga siya. Sana nagconcentrate na lang siya sa pag-aaral niya. Puro siya Edward, Edward, Edward! Eh bampira naman yung kumag na yun.

On the brighter side, hindi gusto ni Kristen Stewart at Robert Pattinson ang Twilight. Kaya medyo masaya. HAHA. Para kay Robert, mas gusto daw niya Harry Potter. Si Kristen naman, sinunog daw niya mga kopya niya ng Twilight. HAHA. Ang saya lang eh. Hindi pala ako nag-iisa. Pati mismo main characters ayaw din.

Kaya payo ko lang sa mga hindi pa nakakabasa ng Twilight, kung may plano kang basahin yun, eh kalimutan mo na. Hindi ko nirerekumenda yung libro na yun. Kahit yun movie, wag mo na panoorin. Kung babasahin o papanoorin mo lang yun para makiuso, eh wag mo nang gawin.

Ako inaamin ko, napansin kong USO yung Twilight. Kaya sinubukan kong basahin. NOPE. Panget ang libro. Kaya ang ginawa ko, sinubukan ko namang panoorin. NOPE PA RIN. Akala ko may pag-asang maganda yung movie kesa sa libro. Eh wala eh. Tsk.

EPIC FAIL.

Tuesday, November 1, 2011

Mga Langgam

Gabi gabi, tuwing matutulog na ako, bigla na lang akong nangangati. Naligo naman ako, malinis naman kama ko. Pero eto kasing mga pakelamerang mga langgam na to, walang ibang ginawa kundi manggulo.

Kagabi, nangati yung hita ko. Pagkamot ko, may nakapa ako. Parang maligasgas, yun pala napatay ko na langgam. Tapos binuksan ko yung ilaw, yung pader sa kaliwa ko, andun silang lahat, gumagapang papunta sa kung saan. Kung alam ko lang kung nasaan yang bahay nila, dinurog ka na yon. Hindi na kasi nakakatuwa eh.

Merong gumapang sa kamay ko. Nakita ko kasi nagbabasa ako ng libro, tapos nakita kong may gumagalaw. Pag tingin ko, ayun, langgam na pula. Hindi ko muna pinatay. Tinapat ko sa ilaw. Hinintay kong kagatin niya ako, pero hindi niya ako kinagat. Ano kayang naiisip nung langgam na yun?

Tinapat ko siya sa ilaw. Ayan, kitang kita ko na. Yung mga paa niya, lakad siya ng lakad sa mga balahibo ko, ginawa niya baging. Bandang huli, inantok na ako, kaya dinikit ko siya sa light bulb. Naramdaman kong parang kinakagat niya ako. Pero ayos lang, tolerable naman. Kaya yun, bumagsak na lang siya bigla at hindi ko na siya nakita ulit.

Sana matuto na kayong mga langgam kayo. Alam ko, sweet akong tao pero hindi ako pagkain! Hindi niyo ako makakain, subukan niyong lumapit sakin, mamamatay lang kayo. Kaya please lang, lubayan niyo na ako. K?

Magshota sa Cyber World

Alam ko marami sa atin ang nagrereklamo sa kanila. Kumakalat sila ng kumakalat. Nanganganak. Mga epal sa mundo ng internet. Yung tipong, nag I-I love you-han sa Twitter, Facebook at sa kung saan saan pang social networking sites. I mean, okay lang kung once in a blue moon lang magsabihan ng ganun, pero yung araw araw? Yung harapan na yung lampungan? GUYS, uso ang private message. Uso ang text. Uso ang calls.

Hindi niyo ba alam na katumbas ng ginagawa niyo, eh PDA? Kung hindi niyo alam ang PDA, ang ibig sabihin nun eh Public Display of Affection. Yun yung mga naghahalikan at naglalandian sa mga mall, parks, jeep etc. Alam niyo naman siguro kung anong feeling ng may naghahalikan sa harap mo diba? Kung hindi niyo pa rin maintindihan, ang ibig sabihin nun eh naglalandian kayo sa harap ng madaming tao. PUBLIC nga eh di ba? Kaya utang na loob, three words lang, GET. A. ROOM.

Ngayon, kung sasabihin niyo sa akin na "Wala kang pakealam, Facebook/Twitter ko to." Oo, iyo nga. Eh iyo ba ang buong Facebook/Twitter? Ikaw lang ba nakakakita ng pinopost mo? Hindi mo ba alam kung gaano kadisturbing yang ginagawa niyo ng shota mo? Alam niyo, para sa akin, ang seryosong relasyon, hindi nag-gaganyan. Ang seryosong relasyon, MATURE. Ang mature na tao, hindi nakikipaglampungan online, let alone PUBLIC. Kung sasabihin mo namang bitter lang ako dahil wala akong boyfriend, asa ka naman. Busy na ako sa career ko, masakit na ulo ko kakaaral ng mga kantang dapat kong aralin, tapos dadagdag pa kayo? DI NGA?

Sa facebook, Married to [insert shota's name here] SERYOSO? Ilang taon na kayo, 15? 16? 17? At kasal na kayo? GIVE ME A BREAK. Kung sasabihin niyo naman sa akin na katuwaan lang yan, pwes kayo lang ang natutuwa. Ako hindi. UNFRIEND.

Kung ginagawa niyo yan para malaman ng lahat ng tao na nagmamahalan kayo, TAMA NA dahil ALAM NA NAMIN. ALAM NA ALAM NA. ASDFGHJKL.

Para sa kaalaman ng marami, isa lang ako sa mga taong naiistorbo sa mga taong naglalandian online. Marami pa dyan ang nagrereklamo, pero hindi pa rin natitinag yang mga yan.