Kagabi, nangati yung hita ko. Pagkamot ko, may nakapa ako. Parang maligasgas, yun pala napatay ko na langgam. Tapos binuksan ko yung ilaw, yung pader sa kaliwa ko, andun silang lahat, gumagapang papunta sa kung saan. Kung alam ko lang kung nasaan yang bahay nila, dinurog ka na yon. Hindi na kasi nakakatuwa eh.
Merong gumapang sa kamay ko. Nakita ko kasi nagbabasa ako ng libro, tapos nakita kong may gumagalaw. Pag tingin ko, ayun, langgam na pula. Hindi ko muna pinatay. Tinapat ko sa ilaw. Hinintay kong kagatin niya ako, pero hindi niya ako kinagat. Ano kayang naiisip nung langgam na yun?
Tinapat ko siya sa ilaw. Ayan, kitang kita ko na. Yung mga paa niya, lakad siya ng lakad sa mga balahibo ko, ginawa niya baging. Bandang huli, inantok na ako, kaya dinikit ko siya sa light bulb. Naramdaman kong parang kinakagat niya ako. Pero ayos lang, tolerable naman. Kaya yun, bumagsak na lang siya bigla at hindi ko na siya nakita ulit.
Sana matuto na kayong mga langgam kayo. Alam ko, sweet akong tao pero hindi ako pagkain! Hindi niyo ako makakain, subukan niyong lumapit sakin, mamamatay lang kayo. Kaya please lang, lubayan niyo na ako. K?
No comments:
Post a Comment