Monday, March 12, 2012

KPOP ka pala?

Hindi, hindi. Ballad ako, Ballad. Ikaw? OPM ka ba?

At kailan pa naging klasipikasyon ng tao ang KPop? Mas matatanggap ko siguro kung ang tanong niyo, eh "KPop fan ka ba?" o "Mahilig ka bang makinig ng KPop?"

Meron pa yan, idudugtong pa, "Eh hindi mo naman naiintndhan yan eh."

Yan ang problema sa mga tao ngayon. Porket gusto mo lang yung kantang iba ang lenggwahe, hindi mo na agad naiintindihan. Bakit kayo nag a-assume agad? Pano kung sabihin ko sa inyong naiintindihan ko? Baka nakakalimutan niyo, noong unang panahon, hindi rin tayo marunong mag Ingles. At hindi rin natin naiintindihan ang mga kantang Ingles. Kaya, Your argument is invalid.

At saka, bakit pa kayo concerned na hindi niyo naiintindihan ang lyrics, eh yung mismong mga kanta ngayon mga wala namang kwenta? Kung hindi kopya lang sa mga lumang kanta, wala talagang content at meaning yung kanta. Stupid Hoe ni Nicki Minaj? Mga kanta ni Jay Z na walang ibang binanggit kundi ang mga pribadong parte ng katawan ng lalake? Oh come on. Mas gusto ko pang pakinggan yung bongtwayla chikirikong chongna abuchikik at KPop songs kesa sa mga kanta na yan.

Isa pa, may iba pang nagsasabi na "Nako, wala namang mga talent yan eh. Dinadala lang sa muka. Tapos puro autotune pa." Seryoso ka? Bago mo sabihin yan, mag-research ka muna. Alamin mo muna bago ka mang bash. Sigurado kang wala silang talent? Ikaw kaya pasayawin ko ng naka-heels habang kumakanta for 18 hours every day. Tignan natin kung sino hingal kabayo. Atsaka autotune? Baket? Hindi ba nag o-autotune ang mga American Pop singers? Ganun? Pag American ang nag-autotune, super talented? Pag Asian na, hindi na agad marunong kumanta? Hindi ba pwedeng creative muna? BUUUUUURRRN.

Umayos kayo huh. Kaming mga KPop fans, hindi kami bobo, tanga o kung ano ano pang gusto niyong sabihin. Iilan lang sa amin ang talagang nilamon na ng pantasya at nakalimot na sa reyalidad. Pero sa totoo lang, kahit saan may ganun. Hindi lang sa KPop.

Hindi ko matatanggap kung sasabihin mo na wala akong taste dahil mahilig ako sa KPop. At lalong hindi ko matatanggap na sasabihin mong itinatakwil ko na ang Pilipinas dahil sa KPop. Sure ka dre? So, parang ganito lang yan eh, paborito kong pagkain ang bulgogi, at dahil sa madalas kong pagkain ng bulgogi, tinatakwil ko na ang Pilipinas. Seems legit? NO.

Kung tinatakwil ko ang Pilipinas dahil sa pakikinig LAMANG ng KPop, anong tawag mo sa ibang Pinoy na mahihilig sa American Pop, at kung maka-asta at maka porma eh kala mo Black American? Pare, kanya kanya.

All in all, ang pagiging KPop fan ay hindi parang sakit na pinandidirihan at iniiwasan. Ang pagiging KPop fan ay isang CHOICE na pinili ng isang tao. At ang choice na iyon ay pagiging masaya sa simpleng pakikinig lang ng musika.

Enough said.

2 comments:

  1. Meron pa! Haha. Buti nga tayo, Atlis Asian Music ang minamahal natin. Kapwa natin Asyano. Eh sila? Lakas pa ng loob nilang sabihin na Bakit di mo mahalin sarili nating Musika? Pwede ba. Yung Western, Agree. XD Puro kahalayan nga maririnig mo eh. Walang kwenta. Talaga.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Tama! Grabe talaga manghusga mga tao ngayon pagdating sa KPop.

      Delete