Monday, March 12, 2012

KPOP ka pala?

Hindi, hindi. Ballad ako, Ballad. Ikaw? OPM ka ba?

At kailan pa naging klasipikasyon ng tao ang KPop? Mas matatanggap ko siguro kung ang tanong niyo, eh "KPop fan ka ba?" o "Mahilig ka bang makinig ng KPop?"

Meron pa yan, idudugtong pa, "Eh hindi mo naman naiintndhan yan eh."

Yan ang problema sa mga tao ngayon. Porket gusto mo lang yung kantang iba ang lenggwahe, hindi mo na agad naiintindihan. Bakit kayo nag a-assume agad? Pano kung sabihin ko sa inyong naiintindihan ko? Baka nakakalimutan niyo, noong unang panahon, hindi rin tayo marunong mag Ingles. At hindi rin natin naiintindihan ang mga kantang Ingles. Kaya, Your argument is invalid.

At saka, bakit pa kayo concerned na hindi niyo naiintindihan ang lyrics, eh yung mismong mga kanta ngayon mga wala namang kwenta? Kung hindi kopya lang sa mga lumang kanta, wala talagang content at meaning yung kanta. Stupid Hoe ni Nicki Minaj? Mga kanta ni Jay Z na walang ibang binanggit kundi ang mga pribadong parte ng katawan ng lalake? Oh come on. Mas gusto ko pang pakinggan yung bongtwayla chikirikong chongna abuchikik at KPop songs kesa sa mga kanta na yan.

Isa pa, may iba pang nagsasabi na "Nako, wala namang mga talent yan eh. Dinadala lang sa muka. Tapos puro autotune pa." Seryoso ka? Bago mo sabihin yan, mag-research ka muna. Alamin mo muna bago ka mang bash. Sigurado kang wala silang talent? Ikaw kaya pasayawin ko ng naka-heels habang kumakanta for 18 hours every day. Tignan natin kung sino hingal kabayo. Atsaka autotune? Baket? Hindi ba nag o-autotune ang mga American Pop singers? Ganun? Pag American ang nag-autotune, super talented? Pag Asian na, hindi na agad marunong kumanta? Hindi ba pwedeng creative muna? BUUUUUURRRN.

Umayos kayo huh. Kaming mga KPop fans, hindi kami bobo, tanga o kung ano ano pang gusto niyong sabihin. Iilan lang sa amin ang talagang nilamon na ng pantasya at nakalimot na sa reyalidad. Pero sa totoo lang, kahit saan may ganun. Hindi lang sa KPop.

Hindi ko matatanggap kung sasabihin mo na wala akong taste dahil mahilig ako sa KPop. At lalong hindi ko matatanggap na sasabihin mong itinatakwil ko na ang Pilipinas dahil sa KPop. Sure ka dre? So, parang ganito lang yan eh, paborito kong pagkain ang bulgogi, at dahil sa madalas kong pagkain ng bulgogi, tinatakwil ko na ang Pilipinas. Seems legit? NO.

Kung tinatakwil ko ang Pilipinas dahil sa pakikinig LAMANG ng KPop, anong tawag mo sa ibang Pinoy na mahihilig sa American Pop, at kung maka-asta at maka porma eh kala mo Black American? Pare, kanya kanya.

All in all, ang pagiging KPop fan ay hindi parang sakit na pinandidirihan at iniiwasan. Ang pagiging KPop fan ay isang CHOICE na pinili ng isang tao. At ang choice na iyon ay pagiging masaya sa simpleng pakikinig lang ng musika.

Enough said.

Wednesday, November 16, 2011

Twilight

Okay, wala akong galit sa mga artista sa Twilight, pero yung kwento kasi, basura.

Bago mo sabihin na basahin ko muna yung kwento at panoorin ko muna yung movie, gusto kong ipaalam sa inyo na nagawa ko na yun parehas, at pumalyang tapusin kasi hindi ko makayanan yung kwento. Sobrang talandot.

Una, si Bella. Ilang araw lang niya nakilala sa Edward. Ni hindi nga man lang niya nakilala muna ng lubusan, pero na-inlab na agad. Ano yon? Ayos yon ah? May pa-irrevocably irrevocably pa sa Stephenie Mayer. Pauso siya huh.

Pangalawa, yung movie. Ang bagal ng kwento! Nakakabored. Hindi ka mahu-hook. Walang akong makitang rason para tapusin ko pang panoorin yung movie.

All in all, hindi ko gusto Twilight. Masyadong mabilis ang mga pangyayari. Walang moral lesson. Ay, meron pala. "Mahalagang magkaroon ng boyfriend." Yun ang moral lesson ng Twilight. Mahalagang lumandi. Bakit naman yung Crazy Little Thing Called Love? Love story yun, pero hindi malandi yung dating. Bakit yung Twilight? Parang ang landi landi ni Bella. Umayos nga siya. Sana nagconcentrate na lang siya sa pag-aaral niya. Puro siya Edward, Edward, Edward! Eh bampira naman yung kumag na yun.

On the brighter side, hindi gusto ni Kristen Stewart at Robert Pattinson ang Twilight. Kaya medyo masaya. HAHA. Para kay Robert, mas gusto daw niya Harry Potter. Si Kristen naman, sinunog daw niya mga kopya niya ng Twilight. HAHA. Ang saya lang eh. Hindi pala ako nag-iisa. Pati mismo main characters ayaw din.

Kaya payo ko lang sa mga hindi pa nakakabasa ng Twilight, kung may plano kang basahin yun, eh kalimutan mo na. Hindi ko nirerekumenda yung libro na yun. Kahit yun movie, wag mo na panoorin. Kung babasahin o papanoorin mo lang yun para makiuso, eh wag mo nang gawin.

Ako inaamin ko, napansin kong USO yung Twilight. Kaya sinubukan kong basahin. NOPE. Panget ang libro. Kaya ang ginawa ko, sinubukan ko namang panoorin. NOPE PA RIN. Akala ko may pag-asang maganda yung movie kesa sa libro. Eh wala eh. Tsk.

EPIC FAIL.

Tuesday, November 1, 2011

Mga Langgam

Gabi gabi, tuwing matutulog na ako, bigla na lang akong nangangati. Naligo naman ako, malinis naman kama ko. Pero eto kasing mga pakelamerang mga langgam na to, walang ibang ginawa kundi manggulo.

Kagabi, nangati yung hita ko. Pagkamot ko, may nakapa ako. Parang maligasgas, yun pala napatay ko na langgam. Tapos binuksan ko yung ilaw, yung pader sa kaliwa ko, andun silang lahat, gumagapang papunta sa kung saan. Kung alam ko lang kung nasaan yang bahay nila, dinurog ka na yon. Hindi na kasi nakakatuwa eh.

Merong gumapang sa kamay ko. Nakita ko kasi nagbabasa ako ng libro, tapos nakita kong may gumagalaw. Pag tingin ko, ayun, langgam na pula. Hindi ko muna pinatay. Tinapat ko sa ilaw. Hinintay kong kagatin niya ako, pero hindi niya ako kinagat. Ano kayang naiisip nung langgam na yun?

Tinapat ko siya sa ilaw. Ayan, kitang kita ko na. Yung mga paa niya, lakad siya ng lakad sa mga balahibo ko, ginawa niya baging. Bandang huli, inantok na ako, kaya dinikit ko siya sa light bulb. Naramdaman kong parang kinakagat niya ako. Pero ayos lang, tolerable naman. Kaya yun, bumagsak na lang siya bigla at hindi ko na siya nakita ulit.

Sana matuto na kayong mga langgam kayo. Alam ko, sweet akong tao pero hindi ako pagkain! Hindi niyo ako makakain, subukan niyong lumapit sakin, mamamatay lang kayo. Kaya please lang, lubayan niyo na ako. K?

Magshota sa Cyber World

Alam ko marami sa atin ang nagrereklamo sa kanila. Kumakalat sila ng kumakalat. Nanganganak. Mga epal sa mundo ng internet. Yung tipong, nag I-I love you-han sa Twitter, Facebook at sa kung saan saan pang social networking sites. I mean, okay lang kung once in a blue moon lang magsabihan ng ganun, pero yung araw araw? Yung harapan na yung lampungan? GUYS, uso ang private message. Uso ang text. Uso ang calls.

Hindi niyo ba alam na katumbas ng ginagawa niyo, eh PDA? Kung hindi niyo alam ang PDA, ang ibig sabihin nun eh Public Display of Affection. Yun yung mga naghahalikan at naglalandian sa mga mall, parks, jeep etc. Alam niyo naman siguro kung anong feeling ng may naghahalikan sa harap mo diba? Kung hindi niyo pa rin maintindihan, ang ibig sabihin nun eh naglalandian kayo sa harap ng madaming tao. PUBLIC nga eh di ba? Kaya utang na loob, three words lang, GET. A. ROOM.

Ngayon, kung sasabihin niyo sa akin na "Wala kang pakealam, Facebook/Twitter ko to." Oo, iyo nga. Eh iyo ba ang buong Facebook/Twitter? Ikaw lang ba nakakakita ng pinopost mo? Hindi mo ba alam kung gaano kadisturbing yang ginagawa niyo ng shota mo? Alam niyo, para sa akin, ang seryosong relasyon, hindi nag-gaganyan. Ang seryosong relasyon, MATURE. Ang mature na tao, hindi nakikipaglampungan online, let alone PUBLIC. Kung sasabihin mo namang bitter lang ako dahil wala akong boyfriend, asa ka naman. Busy na ako sa career ko, masakit na ulo ko kakaaral ng mga kantang dapat kong aralin, tapos dadagdag pa kayo? DI NGA?

Sa facebook, Married to [insert shota's name here] SERYOSO? Ilang taon na kayo, 15? 16? 17? At kasal na kayo? GIVE ME A BREAK. Kung sasabihin niyo naman sa akin na katuwaan lang yan, pwes kayo lang ang natutuwa. Ako hindi. UNFRIEND.

Kung ginagawa niyo yan para malaman ng lahat ng tao na nagmamahalan kayo, TAMA NA dahil ALAM NA NAMIN. ALAM NA ALAM NA. ASDFGHJKL.

Para sa kaalaman ng marami, isa lang ako sa mga taong naiistorbo sa mga taong naglalandian online. Marami pa dyan ang nagrereklamo, pero hindi pa rin natitinag yang mga yan.

Monday, October 31, 2011

Mabagal na Internet

Alam mo yung nagbabayad ka ng internet, tapos ubod ng kupad? BWISET LANG EH.

Kanina pa ako hirap na hirap mag edit nitong blog na to, dahil sa makupad ng internet connection na yan. Napakawalang kwenta eh. Minsan biglang bibilis, madalas sobrang bagal. Sa sobrang bagal, nagmumukang race car yung pagong (o race turtle?).

Ang isa pang nakakainis, nanlilinlang pa eh. Nagloload kunwari yung page, pero wala naman pala talagang niloload. HAY NAKO. Kung walang internet, DERETSUHIN MO NA. Hindi yung paasa pang meron. Para kang lalake, paasa.

Kulang na lang talaga basagin ko tong monitor na to eh, kung akin lang to. At hoy PLDT, ayusin niyo nga yang service niyo. Nagbabayad kami tapos ganito? Anong klase yan. Tumawag na ako noon, irekta ko daw sa computer mismo yung modem. Ginawa ko na yun. Anong nangyare? Ganun pa rin eh. Tsk.

Pag nagkapera na ako, lilipat na kami sa SmartBro.

Mga Kaibigan.

Nagkaron na ba kayo ng mga problema sa kaibigan?

Ako kasi, lagi. Mahal ko sila, pero mahal ba nila ako? Naging busy ako noon, hindi nakasama sa mga gala nila. Madalas akong hindi kasama kasi hindi ako pinapayagan. Pag kasama ko sila, dun ako pinakamasaya. Alam kong ganun din sila. Pero sa mga nakaraang araw, ngayong nasa Pilipinas na uli ako, nasaan sila?

Nasaan sila nung mag aya ako sa contest na sinalihan ko? Nasaan sila nung mag-aya ako ng gala sa Trinoma? Nasaan?

Hindi naman sa hindi ako nakakaintindi. Para sa kaalaman ng lahat, pinipilit kong intindihin. Ginawa ko lahat para maintindihan. Pero bandang huli, wala pa rin akong magawa. Dumarating pa rin sa punto na nagtatampo ako. Sagad.

Kung ayaw nila akong makita, ayos lang sa akin. Kung magtaka silang hindi ko na sila inimbitahan, problema na nila yun. Pag nag aya sila, walang problema, sasama ako. Pero hinding hindi ko na sila iimbitahin ng personal. Nakakasama na kasi ng loob. Mag-iimbita o mag-aaya ka, walang pupunta. Para kang nag-imbita ng pader. Hindi ko na tatanggapin yung rason na hindi sila pinayagan, kasi mula ng umuwi sila dito, puro na sila gala. Pag boypren ang kasama, papayagan agad. Pero bakit pag ako na, walang pwede?

Kung ginagawa niyo yan dahil wala akong kwentang kaibigan, eh di sorry.